P1 bilyong gastos ng DSWD sa 5 bagyong nanalasa sa bansa
MANILA, Philippines — Gumastos na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang may kabuuang P1 bilyong quick response funds para sa mga naging biktima ng nagdaang limang malalakas na bagyo sa bansa tulad ni bagyong Carina, Kristine, Leon, Marce at Nika.
Sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay, bukod pa dito ang higit 1.4 milyong family food packs ana naipamigay sa mga pamilyang nasalanta ng naturang mga bagyo.
Aniya, may P100 milyong standby funds ang natira sa DSWD para maitulong din sa mga nangangailangan.
Umaasa si Punay na makakapagpalabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng may P875 milyong dagdag na pondo ngayong linggo o sa susunod na linggo bilang dagdag panggastos sa mga nasalanta ng bagyo.
- Latest