^

Metro

Road accident nitong Pasko, 638 na - DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Road accident nitong Pasko, 638 na - DOH
A multiple-vehicular accident happened at the intersection of United Nations Avenue and Taft Avenue on Dec. 9, 2024, leaving six people injured.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umakyat pa sa 638 ang mga aksidente sa kalsada sa panahon ng kapaskuhan, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Sabado, Enero 4.

Sa pinakahuling tally nitong Biyernes, Enero 3, nadagdagan ng 32 ang insidente na nagdala sa kabuuang 638.

Sa datos ng DOH, umakyat sa 553 ang naunang tala na 527 ang mga kaso na kinasasangkutan ng hindi paggamit ng safety gear.

Tumaas din sa 452 ang motorcycle-related accidents mula sa 433, habang ang mga sangkot sa pagmamaneho ng lasing na 115 ay uma­ngat sa 117.

Bagamat may pagtaas sa bilang ng mga aksidente, nananatili naman sa pito ang nasawi, kung saan apat ang naaksidente sa motorsiklo.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa mga pag-iingat na dapat gawin ng mga motorista na huwag magmaneho ng pagod o nakainom ng alak; magsuot ng helmet sa mga nakamotorsiklo at seat belts naman sa sasakyan; sumunod sa speed li­mits at road signs; tiyakin na nakatulog ng 7-8 oras bago magmaneho upang manatiling alerto; iwasan ang distractions tulad ng pagggamit ng cellphone habang nagmamaneho; at agad na tumawag sa 911 o DOH hotline 1555 sakaling may emergency.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with