^

Metro

2 drug suspect timbog sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 drug suspect timbog sa Quezon City
Batay sa report na tinanggap ni PDEG Director Eleazar P. Matta, huli sa buy-bust sina alyas Aura, 48, lalaki at alyas JR, 31, lalaki na kapwa residente ng Kalinisan St., Batasan Hills, Quezon City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang drug suspect sa isinagawang anti illegal drug operations ng Phi­lippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Batasan Hills, Quezon City ka­makalawa ng umaga.

Batay sa report na tinanggap ni PDEG Director Eleazar P. Matta, huli sa buy-bust sina alyas Aura, 48, lalaki at alyas JR, 31, lalaki na kapwa residente ng Kalinisan St., Batasan Hills, Quezon City.

Dakong alas-5 ng ­umaga nitong Linggo nang isinagawa ng PDEG, Batasan Hills Police Station 6 Philippine Drug Enforcement Agency, Regional Office National Capital Region (PDEA RO NCR) ang buy-bust sa Kalinisan St., Batasan Hills, Quezon City.

Nakuha sa mga suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet at isang taped-sealed plastic sachet na parehong naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at nagkakahalaga ng ­P342,040.00.

Tiniyak ni Matta na tuloy ang kanilang mga kampanya at operasyon laban sa mga iligal na droga.

Ani Matta hindi lamang Metro Manila ang kanilang target  na maging drug free kundi maging ang buong bansa.

ARRESTED

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with