Paggamit ng seatbelt hihigpitan ng LTO
MANILA, Philippines — Higit pang pinaigting ngayong taon ng Land Transportation Office (LTO) ang kampanya para sa paggamit ng mga motorista ng seatbelt bilang bahagi ng road safety measures.
Kaugnay nito, inatasan na ni LTO Chief Vigor Mendoza ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na e-maximize ang paggamit ng social media at iba pang communication platforms upang maengganyo ang mga motorista na tupdin ang sapilitang paggamit ng seatbealt sa paglalakbay.
“This is also part of our Stop Road Crash program which we will be aggressively pushing this year,” ayon kay Mendoza.
Sa ilalim nang pinaigting na kampanya sa paggamit ng seatbelts, ang LTO ay patuloy na makikipag ugnayan sa local government units at katulong din ang citizen groups at community organizations para sa promosyon ng public safety awareness.
Katulong din ang transport groups, mga paaralan at iba pang stakeholders para higit na mapahusay ang information at communication drive sa pagpapalakas ng awareness hinggil sa kampanya sa paggamit ng seat belt ng mga driver at pasahero.
Magsasagawa ang LTO ng regular assessments para malaman kung epektibo ang naturang kampanya sa paggamit ng seatbelt.
- Latest