^

Metro

‘Mail-Order Bride’ naharang sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Mail-Order Bride’ naharang sa NAIA
Natuklasan ng Bureau of Immigration (BI) na nagbayad ng ­P120,000 ang biktimang si “Amy” upang makapagtrabaho sa abroad sa pamamagitan ng pangpapanggap na turista patungong Bangkok.
Philstar.com / Era Baylon

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na umano’y biktima ng mail-order bride syndicate ang hinarang ng Immigration Officers nitong Enero 2, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Natuklasan ng Bureau of Immigration (BI) na nagbayad ng ­P120,000 ang biktimang si “Amy” upang makapagtrabaho sa abroad sa pamamagitan ng pangpapanggap na turista patungong Bangkok.

Nabatid na tinangkang i-bypass ni Amy ang inspection ng Immigration officers subalit hindi siya nakalusot nang hanapan siya ng pasaporte at boarding pass habang larawan lang ang naiprisinta nito na sinasabing peke.

Subalit inamin ng biktima na nakita niya lang sa isang Facebook post ang immigration escort services kapalit ng P120,000 na idinaan sa online bank transfers.

Nakipagkita siya sa isang lalaki kung saan niya ibinigay ang kaniyang travel documents at sinabihan siya na hintayin ang darating na eskort para makalusot sa immigration authorities.

Bago pa ang boarding time, sinabihan siya na magtungo na agad sa boarding gates subalit minalas na naharang ng BI.

Nang tawagan ang lalaking nagbibigay sa kaniya ng instruction, hindi na niya ito makontak sa paniniwalang na-iblock na siya sa cellphone.

Inendorso na ng BI sa inter-agency council against trafficking (IACAT) ang biktima para sa kaukulang tulong.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, dapat na magsilbing babala sa publiko ang sinapit ni “Amy” na biktima ng mail-order bride.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with