Negosyante umapela kay Pangulong Marcos, DENR sa reclamation project
MANILA, Philippines — Umapela kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at kay Environment and Natural Resources Secretary Antonia Yulo-Loyzaga ang isang negosyante at anak ni Las Piñas Mayor Imelda Aguilar na si Alelee Aguilar-Andanar na lagdaan ang notice to proceed ng reclamation project na lilikha ng libu-libong lokal na trabaho, pagsasakatuparan ng pro-poor projects, kabilang ang socialized pabahay.
Ayon kay Mayor Aguilar, nagpahayag ng suporta ang kanyang anak na si Alelee sa pagpapatuloy ng naantalang P103.8 bilyong Las Piñas-Parañaque Coastal Bay Reclamation Project dahil ito ay lilikha ng bilyong kita sa kaban ng lungsod.
Si Aguilar-Andanar, na tumatakbong konsehal para sa 2025 midterm elections ay ikatlong anak ng yumaong si Las Piñas Mayor Vergel “Nene” Aguilar, at misis nni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.
Nabatid na may 10 taon na nakabinbin ang reclamation project na pangarap at adhikain ni dating Mayor Nene na nagsilbing alkalde ng Las Piñas City mula 1995 hanggang 2004 at mula 2007 hanggang 2016.
Aniya, ang reclamation project ng kanyang ama ay dapat na tawaging: Las Piñas, Our Home 2.0.
- Latest