^

Metro

Tigil-pasada, ikakasa ng ‘Magnificent 7,’ kung sususpindihin ang PUVMP

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tigil-pasada, ikakasa ng �Magnificent 7,� kung sususpindihin ang PUVMP
Ang ‘Magnificent 7’ ay binubuo ng mga grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at ­Opereytors Nationwide (PISTON), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney ­Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEDJODAP), Stop and Go Coalition, at Liga ng Transportation at mga Operators ng Pilipinas (LTOP).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magkakasa umano ng malawakang tigil-pasada ang pitong transport groups sa bansa, na tinaguriang ‘Magnificent 7,’ kung matutuloy ang planong pagsuspinde ng Senado sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ang ‘Magnificent 7’ ay binubuo ng mga grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at ­Opereytors Nationwide (PISTON), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney ­Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEDJODAP), Stop and Go Coalition, at Liga ng Transportation at mga Operators ng Pilipinas (LTOP).

Sila ang mga grupo ng transportasyon na sumusuporta sa PUVMP at tumalima na sa consolidation phase nito.

Sa idinaos na pulong balitaan ng grupo kahapon, mariing kinondena ni Pasang Masda president Ro­berto “Ka Obet” Martin ang pahayag ni Se­nate President Francis “Chiz” Escudero hinggil sa suspensiyon ng PUVMP.

Ayon pa kay Martin, napagkasunduan nila na ang lahat ng pipirma sa naturang resolusyon ng Senado ay hindi nila iboboto sa darating na halalan.

Dagdag pa niya, “Ito’y isang sorpresa, baka dumating tayo sa punto… ang pagtigil pasada. Ipadarama natin sa kanya at sa kanila ang lakas ng 80% na nakiisa at tumaya dito sa programa ng ating pamahalaan.”

Ipinaliwanag din ni Martin na ang tinututulan nila dito ay ang re­solusyon ng Senado, na maaaring humantong sa paglulunsad nila ng tigil-pasada.

Binigyang-diin pa ni Martin na malaki na ang na-invest ng kanilang grupo, na bumubuo ng 80% ng consolidation rate sa buong bansa, sa ilalim ng PUVMP at ang gagawing pagsuspinde dito ay makakaapekto sa kanilang kita.

Aniya, marami na silang tumalima sa modernisasyon at sila ang maaapektuhan kung sususpindihin pa ngayon ang naturang programa.

“Tumaya na sila, nakiisa, niyakap na po ang program. Ang gusto naming lahat, ituloy ang public transport modernization. Tumaya na pong lahat ‘yan, nangutang na, nagbabayad na. Malaki ang magiging epekto nito sa mga nag-comply na,” aniya pa.

Sakaling matuloy ang suspensiyon sa PUVMP, tinatayang aabot sa hanggang 90% ng mga miyembro ng Magnificent 7 sa Metro Manila ang lalahok sa ikakasa nilang transport strike.

vuukle comment

PUVMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with