^

Metro

DSWD: Pag-iisyu ng guarantee letter ng AICS, online na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Mas padadaliin na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagri-release ng gua­rantee letters sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng ahensiya.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ilulunsad na ng kagawaran sa mga susunod na araw ang online system  para sa issuance ng mga GLs  ng AICS.

“Isa sa mga ginagawa na namin ngayon at ilulunsad na sa lalong madaling panahon, ‘yung automation ng pagbibigay ng guarantee letter. Kasi alam namin kailangan nila [AICS clients] ‘yun para sa mga hospitalization, sa mga burial assistance,” ani Gatchalian.

Aniya pagtalima ito ng ahensiya sa isinusulong na digitalization ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga tanggapan ng gobyerno.

dagdag pa ni Gatcha­lian, oras na mabuksan na ang online portal, matutuldukan na ang mahabang pila sa DSWD para kumuha ng mga GL.

Sa ngayon, nasa fine-tuning system na aniya ang online system.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with