162 iskul sa Quezon City, tinututukan

MANILA, Philippines — Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) District Director, PCol. Melecio M Buslig, Jr, na may kabuuang 162 na paaralan ang kanilang mahigpit na minomonitor upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa anumang kriminalidad.
Sa ilalim ng Project Ligtas Eskwela, nagtatag ang QCPD ng 151 Police Assistance Desk (PADS) malapit sa mga pasukan ng paaralan upang magbigay ng agarang suporta sa mga mag-aaral, guro, at mga magulang.
Bukod dito, 157 aktibidad din ang isinagawa, kabilang ang flag-raising ceremonies, pagsasagawa ng foot patrol, at pakikipag-usap sa mga administrador ng paaralan, mga magulang, at mga mag-aaral.
Ito ay upang matiyak din na hindi na mauulit pa ang mga nangyayaring krimen sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga mag-aaral.
“Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay isa sa pangunahin ng ating mga pulis. Sa pamamagitan ng Project Ligtas Eskwela, napapanatili natin ang pakikipag-ugnayan sa ating mga mag-aaral at mga guro,” pahayag ng QCPD chief.
- Latest