^

Metro

Vlogger na pulis ayaw magpa-neuro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director PCol. Melecio Buslig, Jr. na ilang ulit na umanong tumangging magpasailalim sa neuropsychiatric examinations ang vlogger na si Patrolman Francis Fontillas, ang pulis na nag-vlog ng kanyang pambabatikos sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at administrasyong Marcos dahil sa pag-aresto sa dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng International Criminal Court (ICC).

Sa press conference sinabi ni Buslig na hindi umano makontrol ni Fontillas ang kanyang emosyon at may mga biglaan itong pagbabago sa kanyang pag-iisip at kadalasan ay madaling magalit.

Kaya naman hinikayat nila si Fontillas na lumutang at sumailalim sa psychiatric exam nitong Lunes pero patuloy itong tumatanggi.

Ayon kay Buslig, sa ngayon ay ikinukunsi­dera nang absent without official leave (AWOL) sa PNP service si Fontillas. Sakaling aabot sa 30-days at hindi pa rin ito lumutang si Fontillas, isusulong na nila ang proseso ng dismissal from service nito.

Kinumpirma rin ni PLt. Col Van Jayson Villamor, hepe ng QCPD Medical and Dental Unit, na kinakitaan na nila ng mga senyales o red flag na mayroong mental psychological problem si Fontillas. Sa katunayan aniya, umiinom ng gamot o anti-suppressant o pampakalma si Fontillas.

Lumilitaw na sa rekord ng QCPD na Pebrero 11 pa nadis-armahan si Fontillas dahil sa mayroon na silang mga patawag dito para magpaliwanag pero hindi sumisipot.

Kakausapin din ­umano ng QCPD ang mga nangangasiwa ng Facebook at Tiktok para ipatanggal ang mga vlog ni Fontillas na umaatake sa PNP at administras­yong Marcos.

Nanindigan si Patrolman Francis Steve Fonti­llas na hindi siya magbibitiw sa kanyang trabaho sa kabila ng isinampang kaso laban sa kanya.

“Kung magre-resign ako, eh ‘di wala nang ma­tinong pulis na matitira,” ani Fontillas.

Magugunitang kinasuhan na ng kasong paglabag sa Article 142 ng RPC (Inciting to Sedition) na may kaugnayan sa R.A 10175 0 Cybercrime Prevention Act of 2012 si Fontillas, nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS).

Sa rekord mula sa District Personnel Records and Management Division (DPRMD), si Fontillas ay itinalaga sa DPHAS noong Pebrero 20, 2025, ngunit absent without official leave (AWOL) mula noong ­Marso 6, ngayong taon.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->