Aktres/vlogger Ivana Alawi suportado AGAP Partylist

MANILA, Philippines — Personal na nagpahayag ng kanyang pasasalamat at suporta ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) Partylist na nakitaan niya ng siniseridad upang mabigyan ng proteksiyon ang karapatan ng mga agricultural producers sa bansa.
Ayon sa aktres, sa kanyang pag-iikot habang gumagawa ng mga content sa kanyang mga vlog nakita niya at naramdaman ang layunin ng sektor ng agrikultura partikular ang mga magsasaka, mangingisda, magbababoy at magmamanok.
Aniya, wala siyang iniindorsong anumang partylist noong nakaraang halalan hanggang sa nakita niya ngayon ang AGAP Partylist sa pangunguna ni Rep. Nicanor “Nikki” Briones, na tunay na may malasakit sa mga agricultural producers.
“Huwag ako ang inyong pasalamatan dahil dapat kami ang magpasalamat sa inyo dahil ipinaglalaban ninyo na bumaba ang presyo ng bilihin at upang mayroon pang-araw araw na pagkain sa hapag-kainan ang bawat mamamayang Pilipino,” ani Alawi.
Umaasa naman si Briones na ng pagsuporta ng aktres, makukuha na ang grupo ng tatlong pwesto sa Kongreso upang maipakita ng mga magsasaka at kooperatiba, at 30 milyong Filipino na nasa sektoral ang kanilang pagmamalasakit.
- Latest