Delivery rider, 2 pa swak sa ‘bato’
MANILA, Philippines — Timbog ang target na delivery rider at 2 iba pa sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) at Sub-station 7 ng Pasay City Police Station sa Pasay City nitong Lunes.
Kinilala ang mga suspek na sina Carlo, 28, delivery rider; high value individual (HVI), Eduardo, 47; at Ma. Fe, 23.
Sa ulat na pinangunahan ni PMajor Cecilo Tomas Jr, ng SPD-Drug Enforcement Office (DDEU-SPD), sa pakikipag-ugnayan sa District Intelligence Division (DID-SPD) at Substation 7 ng Pasay CPS, bandang alas-10:35 ng gabi noong Marso 17, 2025, nang madakip ang mga suspek sa 491 River Side Street, Brgy. Maricaban, Pasay City.
Tinatayang nasa 100 gramo ang kabuuang timbang ng mga nasabat na ilegal na droga, na may Standard Drug Price (SDP) na P680,000. Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Pasay City Police Station, na may kaukulang mga kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Section 26 ng RA 9165 na inihahanda para sa inquest proceedings.
- Latest