^

Metro

DA: Pork stakeholders hiling konsultasyon sa pork MSRP

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
DA: Pork stakeholders hiling konsultasyon sa pork MSRP
Pork retailers display meats at their shops inside a public market in Marikina on March 10, 2025 morning.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang panawagan ng mga stakeholders na magkaroon ng konsultasyon kaugnay nang ipinatutupad na MSRP sa karne ng baboy.

Ito ay makaraang malaman ng DA na isa lamang sa limang pork retailers ang tumupad sa napagkasunduang maximum suggested retail price (MSRP) sa karne ng baboy.

Una nang nagtakda ang DA ng price caps na P380 per kilo sa liempo, P350 kada kilo sa kasim at pigue at P300 kada kilo sa “sabit ulo,” o buong carcasses ng baboy.

Ang maximum retail price sa karne ng baboy ay nagsimula noong March 10.

Sa monitoring sa karne ng baboy sa mga palengke sa Metro Manila, nananatiling mula sa P230 ay naging P470 ang kada kilo ng karne ng baboy. Ayon sa mga pork producers, tinupad naman nila ang farmgate price ng baboy.

Ayon kay Mr. Jason Caiglet, executive director ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) nagpatupad ng farmgate price na  P230 per kilo ng baboy ang pork producers, mas mababa sa dating presyo na mula.P260 hanggang P265 kada kilo para mapababa ang retail price ng karne ng baboy.

Anya kahit na ang pork producer ay nagbenta ng baboy sa halagang P240 per kilogram, nagpapatong pa rin ng P10 taas presyo kada kilo ang mga retailers sa mga palengke pero hindi dapat tumaas sa P390 hanggang P400 kada kilo.

PORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->