Cayetano in Action with Boy Abunda wagi bilang ‘Best Public Affairs Program at Host’
MANILA, Philippines — Big time winner ang Cayetano in Action with Boy Abunda sa 38th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television matapos itong magwagi ng dalawang award ang Best Public Affairs Program at Best Public Affairs Program Host!
Gaganapin ang star-studded na awarding ceremony sa March 23, 2025 sa Dolphy Theater, kung saan magtitipon ang mga pinakasikat na pangalan sa showbiz at telebisyon.
Sa paggabay ng magkapatid na senador na sina Senador ‘Kuya’ Alan Peter at ‘Ate’ Pia Cayetano, kasama ang one and only King of Talk na si Boy Abunda, patuloy na tumutulong ang programa sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy.
Mapapanood ito tuwing Linggo ng 11:00 ng gabi sa GMA 7. May replays ito tuwing Sabado ng 10:30 ng gabi sa GTV.
Ipinagpapatuloy nina Kuya Alan at Ate Pia ang legacy ng kanilang yumaong ama na si Senador Rene Cayetano, na kilala rin sa kanyang iconic na programa sa radyo at TV na “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.
Sa pamamagitan ng Cayetano in Action with Boy Abunda, nais nilang ipagpatuloy ang adhikain ng kanilang ama na maglingkod sa taumbayan.
- Latest