3-day nationwide transport strike, kasado na

MANILA, Philippines — Inihayag ni Manibela President Mar Valbuena na muli silang magkakasa ng 3-day transport strike sa Marso 24 hanggang 26.
Ito ayon sa Manibela ay dahil sa pagsisinungaling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsabing umaabot na sa 86% ang nagconsolidate at nakapag-comply para sa modernisasyon ng public utility vehicle (PUVs) sa bansa.
“Ang sinasabi ng LTFRB na 86% na ang nagconsolidate at nakapag-comply. Naging mitsa ito kung bakit hindi na na-renew ang ating provisional authority at hindi na nakarehistro ang aming mga sasakyan,” pahayag ni Valbuena.
Gayunman, sinabi ni Valbuena na maaring ma-extend pa ng mga araw ang tigil pasada depende sa magiging paliwanag ng LTFRB sa sitwasyon.
Iginiit diin din ni Valbuena kay Transportation Secretary Vince Dizon na sibakin sa puwesto ang mga opisyal ng LTFRB sa pangunguna ni Chairman Teofilo Guadiz.
Dapat aniyang pagaralan at suriing mabuti ni Dizon ang kundisyon ng maliliit na driver kung saan may pangako ang pamahalaan na aayusin ang sistema ng transportasyon sa bansa at kalagahan ng maliliit na tsuper ng mga pampasaherong sasakyan.
- Latest