^

Metro

Driving skills training laban sa aksidente sa lansangan - Angkas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang isang hailing apps na dapat paigting ang pagsasanay sa pagmamaneho ng bawat driver hindi lamang sa mga motor­cycle taxi  kundi sa lahat ng nagmamaneho ng motorsiklo upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

Sa QC Journalist Forum, sinabi ni Angkas President at Angkasangga first nominee George Royeca, pagkalooban ng  libreng training bago rumatsada sa kalsada ang mga motorcycle  driver. Sa ngayon aniya, nasa 700,000 ang nabigyan ng libreng training.

“While we support the crafting of the Motorcycle Taxi Act, there should also be free training for motorcycle drivers them . But the Act is not addressing all the aspects, we need a separate law for that. Transportation and mobility is a national problem,” ani Royeca.

Sinabi naman ni QC Councilor Wency Lagumbay, chairman ng  QC Council’s Committee on Ways and Means, dapat bigyan ang lokal na pamahalaan ng kapangyarihan na ma-regulate at mabigyan ng training ang mga motorcycle taxi.

Kaugnay nito, hinikayat ni Edwin Go, Presidente ng Motorcycle Dealers Assn of the Philippines ang DOTr na kausapin muna ang iba’t ibang stakeholders bago isailalim sa rehabilitasyon ang Edsa.

Sinabi naman ni Ka Lando Marquez, Pangul­o ng Liga ng Transportasyon ng Pilipinas (LTOP), panahon na para isama ng Department of Education sa schools curriculum ng mga magaaral ang aralin sa transportation  para sa murang kaisipan ng mga mag-aaral ay mauunawaan na ng mga ito kung paano ang tamang pagmamaneho at maiiwasan ang mga aksidente sa kalsada.

MOTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->