^

Metro

Fire safety, isusulong ng mayoral candidate sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Las Piñas Mayoralty candidate Carlo Aguilar sa mga residente ng lungsod ang kanyang adbokasiya sa fire safety hindi lamang ngayon Fire Prevention Month ng Bureau of Fire Protection (BFP) kundi sa buong taon.

“Ang pag-iwas sa sunog ay hindi dapat gawin tuwing buwan lamang ng Marso. Ang pagiging ligtas sa sunog at mga natural disasters tulad ng lindol ay dapat isaisip ng lahat ng mga kabataan at matatanda sa Las Piñas sa buong taon,” ani Aguilar.

Ang panawagan ni  Aguilar sa fire safety sa Las Piñas ay kasunod ng sunog sa residential area ng Barangay Pulang Lupa at isang madamong lugar sa Talon Tres, na mabilis namang naapula.

Bilang isang pribadong mamamayan at entrepreneur, nagbigay siya ng donasyong apat na fire trucks sa Las Piñas, kabilang na ang kauna-unahang ladder fire truck ng lungsod, na nakatulong nang malaki sa fire department nito.

Nangako rin si Aguilar na sakaling palarin na maging mayor, mahigpit niyang ipatutupad ang lahat ng mga batas at ordinansa sa pag-iwas sa sunog na nasa Fire Code ng bansa. Ang mga gusaling komersiyal na kailangan may sapat na exit signages, water sprinklers, early fire alarm system, at iba pang mga panligtas sa buhay.

“Dapat nating seryosuhin ang fire prevention, hindi lamang upang proteksiyunan ang ari-arian kundi iligtas din ang buhay ng tao. Kung nais natin ang higit na ligtas na Las Piñas, dapat tayong maging proactive, hindi reactive,” ang diin ni Aguilar.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->