19-anyos na ‘tulak’, tiklo sa buy-bust
MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na ‘tulak’ ang nasakote ng mga operatiba ng Navotas City Police sa ikinasang buy-bust operation kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Navotas police chief PCol. Mario Cortes, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy- bust operation laban kay alyas ChaCha matapos ang kumpirmasyon sa transaksiyon nito.
Bandang ala-1:18 ng madaling araw nang dambahin ng mga awtoridad ang suspek sa A. Dela Cruz St., Brgy. San Roque, matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10.43 grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P70,924 at isang markadong P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Acf 2002.
- Latest