^

Metro

Resulta ng mananalong senador at party-list groups, ilalabas sa loob ng isang linggo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malalaman ang mga mananalong senador at party-list group sa May 12, 2025 National and Local Elections (NLE) isang linggo pagkatapos ng halalan, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes.

“From the Municipal and Provincial Boards of Canvassers, they will be brought to the National Board of Canvassers. By our estimates, the canvassing in the national level will run from five to seven days,” ani Comelec Chairman Erwin Garcia sa press briefing nitong Biyernes.

Sinabi ni Garcia na nakatakdang tapusin ng National Board of Canvassers (NBOC) ang proseso ng tallying sa loob ng lima hanggang pitong araw pagkatapos ng araw ng halalan.

Paliwanag niya, ang automated election system, na suportado ng 5G technology sa pamamagitan ng Starlink, ay magbibigay-daan para sa mas mabilis na paghahatid ng mga resulta kumpara sa mga nakaraang halalan.

Ang unofficial results naman, aniya, ay sa gabi pa lamang ng election day ay malalaman dahil sa mabilis na transmission ng election results sa pamamagitan ng automated counting machines (ACMs).

Noong May 2022 elections, ang 12 bagong senador ay naiproklama pagkaraan ng siyam na araw habang ang mga nanalong party-list group ay naiproklama pagkatapos ng 17 araw.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->