^

Metro

13-anyos na rumesbak, tinigbak ng 5 siga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na batang lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng lima katao na kanilang niresbakan sa Quezon City.

Dead-on-arrival sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang biktimang si alyas JP, Grade 6 student habang tugis naman ang limang kalalakihan na umano’y mga siga.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente bandang alas-10 ng gabi sa Katuparan St. Brgy. Commonwealth, Q.C.

Bago ang insidente, nanonood ang biktima kasama ang kanyang iba pang mga kaibigang menor-de-edad ng basketball sa BYC covered court sa Kasunduan St.

Dumating ang limang kalalakihan na isa dito ay kinilala ng biktima na sumuntok sa kanya.

Itinuro ng biktima sa kanyang mga kaibigan ang sumuntok sa kanya at nilapitan na humantong sa suntukan.

Nagkaron ng rambulan at habulan hanggang sa isa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima.

Dito na nagpulasan ang mga menor-de-edad hanggang sa bumagsak at naiwan ang biktima na nagtamo ng saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Nakuha naman sa crime scene ang patalim na ginamit ng mga suspek.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may mga CCTV sa lugar upang matukoy ang mga suspek.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad