^

Bansa

Metro Manila mayors 'payag na' palabasin 15-17-anyos ng mga bahay

Philstar.com
Metro Manila mayors 'payag na' palabasin 15-17-anyos ng mga bahay
Binibigyan ng religious group na ito ng pagkain ang ilang palaboy sa Lungsod ng Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic, ika-24 ng Nobyembre, 2020
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Matapos ang matagal na pagdadalawang-isip, okay na uli sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na payagang lumabas-labas ng bahay ang mas maraming menor de edad sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

'Yan mismo ang ipinaliwanag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivares sa panayam ng TeleRadyo, Lunes, bagay na planong gawin ng local government units sa punong rehiyon para muling buhayin ang ekonomiyang winasak ng pandemya.

"Tayo na lang sa Pilipinas ang 18 to 65. Ngayon payag na rin po ang Metro Manila Council, mga LGUs na [maisama ang] 15 to 17 years old," ani Olivares na siyang chairperson din ng MMC, Lunes.

"'Yun na rin po 'yung pagbubukas ng ekonomiya. But we will not sacrifice the [health] protocols."

Oktubre 2020 pa lang ay pinapayagan na ng Resolution 79 ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga batang 15-17 taong gulang sa labas ng kanilang mga bahay, pero pinalagan 'yan ng Metro Manila Council.

Una nang pinalagan ni Quezon City Mayor City Joy Belmonte ang naturang maniobra Disyembre bilang pag-iingat na rin sa hawaan ng COVID-19 nitong Kapaskuhan.

Kamakailan lang nang irekomenda ng IATF-EID ang pagluluwag ng home quarantine para sa mga 10-14-anyos na mga bata sa mga modified general community quarantine areas, ngunit agad itong sinopla ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pangamba sa COVID-19.

"Pasensiya na po kayo. Mine is just a precaution. Wala itong bisa... Takot lang ako kasi itong bagong [United Kingdom variant] strikes the young children," ani Duterte noong nakaraang buwan.

"Itong original na COVID, hardly if at all, na wala kang marinig na may bata. Mayroon one or two and you can count it by the fingers of your hands kung ilan ang bata na tinamaan."

Ang bagong variant ng COVID-19 na unang nadiskubre sa United Kingdom ay nasa Pilipinas na, at sinasabing mas nakahahawa ng hanggan 70% kumpara sa karaniwan.

Ngayong araw din nakatakdang muling buksan sa mga general community quarantine areas (GCQ) ang sari-saring establisyamento gaya ng game arcades, silid-aklatan, museo atbp. na accredited ng Department of Tourism.

Sa kabila niyan, tutol din ang MMC diyan lalo na't kulob ang mga naturang lugar na madali raw mapagpasahan ng COVID-19.

"We cannot sacrifice our health protocols. Alam naman natin sa cinema enclosed 'yan. Tatlong oras, airconditioned. Questionable ang ventilation," wika pa ni Olivares kanina.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, umabot na sa 549,176 katao ang tinatamaanng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na mula sa virus ang 11,515 katao sa bilang na 'yan. — James Relativo

EDWIN OLIVARES

METRO MANILA

MINORS

NATIONAL CAPITAL REGION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with