1-2 bagyo papasok ngayong Disyembre
MANILA, Philippines — Isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Disyembre.
Bunga nito, pinag-iingat at pinaghahanda ng PAGASA ang publiko sa potensyal na maging tropical cyclones ang mga ito na maaaring tumama sa bansa sa holiday season.
Ayon sa PAGASA, ang mga nasabing bagyo ay malaki ang tyansa na mag-landfall o magkaroon ng impact sa lupa.
Gayunman, wala pa namang namomonitor na low pressure area na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Matatandaang nakaranas ang bansa ng anim na magkakasunod na bagyo nitong Oktubre tulad ng Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.
- Latest