ICC prosecutor naghahanda na sa drug war trial
MANILA, Philippines — Binuksan na ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang online portal para sa pagsusumite ng impormasyon sa madugong war on drugs.
Dito ay hinihikayat ang mga testigo, kabilang ang mga dati at kasalukuyang nagpapatupad ng batas at opisyal ng gobyerno na magsumite ng impormasyon tungkol sa drug war ng nakaraang administrasyon.
Sinabi ni Kristina Conti, ICC assistant to counsel at isa sa mga abogado na kumakatawan sa mga biktima ng drug war, na pahihintulutan ang sinumang may kapani-paniwalang impormasyon sa usapin na direktang isumite sa tribunal.
Tiniyak nito na ang impormasyon ay pananatilihing confidential at maaaring ilabas sa panahon ng trial.
Maaaring magsumite ang mga saksi ng impormasyon sa pamamagitan ng appeals.icc-cpi.int.
Ang portal ay may mga opsyon sa wikang Ingles at Tagalog.
Ayon sa ICC, ang impormasyong ibabahagi sa platform ay susuriin. Kung kinakailangan, makikipag-ugnayan ang ICC para sa paglilinaw sa sinuman sa mga nagbigay ng impormasyon.
Nagpasalamat din si Conti sa mga makikipagtulungan at magbibigay ng impormasyon.
“We will review every submission, but cannot respond to everyone. In all cases, we thank you for your submission,” ayon sa ICC.
- Latest