Angkas, AngKasangga sumalang sa public consultation sa moto taxi, riders
MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ng Angkas, ang pinakamalaking motorcycle taxi group sa bansa at AngKasangga Party-list ang ginawang public consultation ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa kalagayan ng mga riders at moto taxi operations sa bansa.
“This consultation is just the beginning as we call for a continued nationwide holding of this kind of event,” sabi ni Angkas CEO at AngKasangga nominee George Royeca.
Ang public consultation na dinaluhan ng halos 100 riders, leaders ng riders’ group at moto taxi operators mula sa buong bansa ay ginawa sa pakikipagtulungan LTO at Department of Transportation (DOTr) sa Quezon City.
Kinuha rin dito ng LTO ang damdamin ng moto taxi at riders group hinggil sa batas na nagpaparusa sa mga may-ari ng second hand na sasakyan na hindi pa nai-transfer ang ownership sa loob ng 20 araw. Ang implementasyon ng batas ay sinuspinde muna ng LTO at binigyang daan muna ang public consultation hinggil dito.
“We are always ready to work with the LTO, DOTr, and other related government agencies to create meaningful solutions that would uplift motorcycle riders cause while ensuring a safer and more efficient transport system for the commuters,” sabi ni Royeca.
- Latest