^

Bansa

Groundbreaking ng housing project sa Nueva Ecija pinasinayaan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Llanera Mayor Ronnie “Roy” Pascual ang iba pang opisyales ng Nueva Ecija sa groundbreaking ceremony para sa pagpapagawa ng mahigit sa 30,000 na housing units sa Nueva Ecija, na nasa ilalim ng flagship program ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang administrasyon ni Presidente Marcos ay naglalayon na magpatayo ng anim na milyon na mga housing units na lilikha ng 1.7 milyon na trabaho kada taon mula 2023 hanggang 2028 at ang paggawa ng libo-libo na housing units sa Llanera, Nueva Ecija ay parte ng proyekto ng gobyerno na magbigay ng disenteng tahanan para sa milyon-milyong mga Pilipino. Dinaluhan nila Mayor Pascual, kasama si Congw. Virginia Rodriguez, Congw. Mikaela Violago at Bgy. Capt. Grace Dinio ang ceremonial groundbreaking ng proyektong pabahay na gagawin para sa libo-libong mga benepisyaryo na magmumula sa munisipyo ng ­Llanera, Nueva Ecija.

Ang iba pang mga opisyales na dumalo sa seremonya ay mga kinatawan mula sa DepEd, Senior Citizens, LGU Family at daan-daan pang mga sumusuporta sa PascualMoves.

Sa pakikipagtulungan sa Pag-IBIG Fund, ang ahensya ay naglabas ng P200 milyon na deve­lopmental loans para sa proyektong pabahay sa ilalim ng President Ferdinand R. Marcos Jr.’s flagship Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.

NUEVA ECIJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with