^

Bansa

Marcos pilit pinababa presyo ng bigas, pero daming nananamantala - Briones

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Marcos pilit pinababa presyo ng bigas, pero daming nananamantala - Briones
Individuals line up for affordable rice sold at P29 per kilo at the Kadiwa store inside the National Irrigation Administration Office in Quezon City on July 5, 2024.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ni AGAP Partylist Rep. Nicanor ‘Nikki’ Briones, ang tungkol sa usapin sa imported na bigas na base sa Executive Order 62, ibinaba ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang taripa buhat sa 35% to 15% at bumaba ito ng 20% dahil sa kagustuhan nitong maibaba ang presyo ng bigas subali’t ang naging resulta hindi naman nagbago ang presyo nito sa merkado.

Ayon kay Briones, na malinaw na mayroon nananamantala at may kumikita dito na dapat nasa P41 to P45 per kilo lang ang bigas dahil sa pagbaba ng taripa (taxes) sa bigas.

Tahasan din sinabi ng Dept. of Agriculture (DA) na ang nakikinabang dito ang mga importer o traders at hindi ang mga consumer na umaasa na bababa ang presyo ng bigas. At naapektuhan din ang mga palay farmers sapagkat nawalan ng P12 billion mahigit na revenue ang gobyerno na dapat magiging pang suporta, ayuda at pangpagawa ng kailangan ng mga magsasaka ng palay.

Ayon kay Agap Rep., na dahil hindi nakinabang ang ating mga consumer iminungkahi nilang ituloy na ang pagre-review at kaagad bawiin ang pagbaba ng taripa at ibalik sa 35% ng importation ng bigas at tamang tama mayroon darating na anihan kapag ibinaba ang taripa bababa na ang preyo ng bigas sa merkado at sa international market hindi na mapagsasamantalahan ng mga importer.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with