^

Bansa

Rose Lin pasok sa ‘matrix’ ng POGO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napabilang ang pangalan ng tinaguriang “Pharmally Queen” na si Rose Nono Lin sa listahan ng matrix ng POGO syndicate.

Sa pagtatapos ng mga pagdinig ng Senado tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO, ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros ang opisyal na matrix ng POGO syndicate na pina­ngungunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at nasa ilalim nito ang ilang “major players” na sina Michael Yang, Alice Guo, Weixiong Lin alyas Allan Lim, at Rose Lin.

Pinagtibay nito ang nauna nang inilabas na POGO matrix ng quad-committee ng Kongreso na parehong-pareho ang “cast of characters” sa mga nabanggit na personalidad na tinaguriang sindikato ng POGO.

Ayon kay Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, isa lang ang malinaw na ang POGO ay isang halimaw na gumagawa ng human trafficking, money laundering, torture at espionage, kasama na rin dito ang large scale scamming, corruption, kidnapping, at prostitusyon.

“They have now been revealed ­nothing but Trojan Horse. They have exposed a web of people who used POGOs for their own selfish interests, for their own personal gain all at the expense of the Filipino people,” saad pa ng Senador sa inilabas na matrix.

Habang nadawit naman si Rose Lin dahil sa kanyang papel bilang asawa ni Weixiong Lin na co-incorporator ni Michael Yang sa kumpanya nitong Paili Holdings.

Nakalahad din sa POGO matrix ang umano’y pangalan ni Rose Lin sa multi-bilyong Pharmally, kasama ang pare-parehong personalidad na sinasabing sangkot din sa mga POGO at siya rin ang registered owner ng Xionwei Technology na sinasabing “mother of all POGOs” dahil ipinagamit umano ang lisensya nito sa mga naglipanang POGO, kasama na ang POGO ni Alice Guo.

Dagdag pa ni Hontiveros na inabuso umano ng mga sindikato ng POGO “ang ating birth certificate registration, immigration procedures, passport at visa applications, pagtayo ng negosyo sa pangalan ng kumpanya, bank sec­recy, at pati ang pribilehiyong lumahok sa eleksyon, at maging kawani ng gobyerno.

Lumalabas anya na pati ang demokrasya at pambansang seguridad natin ay nailagay na sa panganib.

Nangako ang senador na hindi papayagang magpatuloy ang mga ganitong pananamantala at pagpapakasasa habang ang kapwa Pilipino ay napipinsala.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with