^

Bansa

COVID-19, posibleng tumaas ngayong Amihan – DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posible umanong tumaas ang mga naitatalang kaso ng respiratory inspections sa bansa ngayong panahon na ng taglamig dahil sa Amihan, kabilang na rito ang ubo, sipon at maging COVID-19.

Mismong si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang nagbigay ng naturang babala sa publiko sa isang ambush interview sa media kahapon.

Ayon kay Herbosa, ang mga naturang sakit ay maaaring lumala at mauwi sa pneumonia, pagkaka-ospital at pagkamatay kung mapapabayaan.

“So we take care of the high risk people. Ganon din ‘yung very small children, they can also have bronchopneumonia and be hospitalized,” anang health chief.

Dagdag pa niya, “It’s actually dahil kulob kasi ang isang room with one people coughing, hawa-hawa na kayo ng acute respiratory infection. Ubo, sipon, lagnat, pati COVID.”

Bukod dito, tiniyak din naman ni Herbosa na patuloy ang monitoring nila sa mga influenza-like illnesses (ILIs) at water-borne diseases ngayong Amihan season.

Pinayuhan din niya ang publiko na panatilihing malinis ang mga kamay, magsuot ng face mask kung nasa mga pampublikong lugar at tiyaking regular na umiinom ng tubig upang maiwasan ang pagkakasakit.

Una nang inianunsiyo ng PAGASA na asahan na ang unti-unting paglamig ng panahon sa bansa dahil sa opisyal nang pagsisimula ng Amihan season.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with