^

Probinsiya

Paghihiwalay ng Sulu sa BARMM, pinal na – SC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Supreme Court (SC) na pinal na ang kanilang desisyon na tuluyang ihiwalay ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni SC Spokesperson Camille Ting na ibinasura ng Korte Suprema ang partial reconsideration na inihain ng BARMM, Office of the Solicitor General (OSG), at iba pa, hinggil dito.

“The decision is final and immediately executory. No further pleadings will be entertained,” ayon kay Ting.

Nauna nang sinabi ng Korte Suprema na ma­ling isama ang Sulu sa BARMM dahil ito’y paglabag sa Article X, Section 18 ng Konstitusyon, kung saan nasasaad na tanging mga lalawigan, lungsod at geographic areas na bumoto pabor sa plebisito ang dapat na mapasali sa autonomous region.

Naghain naman ang BARMM ng apela sa SC hinggil dito at hiniling na ibalik ang Sulu sa Bangsamoro Region.

Matatandaang tinutulan ng Sulu ang Bangsa­moro Organic Law (BOL) sa idinaos na plebisito hinggil dito.

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with