^

Bansa

Brigada Eskwela umarangkada na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binuhay ng Department of Education (DepEd) ang diwa ng bayanihan ng mga Filipino sa paglulunsad kahapon ng Brigada Eskwela na layong magtulong-tulong sa pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga paaralan para sa darating na pasukan sa Hunyo 15.

Nag-ikot kahapon si Education Secretary Mona Valisno sa ilang paaralan sa Metro Manila.

Unang tinungo nito ang San Joaquin Elementary School sa Pasig City at sunod na nagtungo sa Quezon City High School sa Scout Ybardolaza st., Kamuning Road, Quezon City.

Naging taunang aktibidad na ng DepEd at mga magulang ng mga estudyante ang pagtutulungan sa ilalim ng Brigada Eskwela para sa pagkukumpuni ng mga nasirang paaralan lalo na iyong mga naapektuhan ng mga bagyo sa buong bansa.

Ginagawa ito sa mga pampublikong paaralan upang maging ambag ng mga magulang sa edukasyon ng mga anak dahil sa libre naman ang pag-aaral. 

Bukod sa mga magulang, ilang mga pribado at non-government organization (NGOs) rin ang nagbibigay ng donasyon sa DepEd tuwing magpapasukan.

Simula noong 2003, nasa P9 bilyon halaga para sa maintenance ang natipid ng DepEd dahil sa Brigada Eskwela.  Inaasahang nasa 21 milyong mga mag-aaral sa elementarya at high school ang magbabalik sa mga paaralan para sa taunang pampaaralan 2010-11.

BRIGADA ESKWELA

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY MONA VALISNO

KAMUNING ROAD

METRO MANILA

PASIG CITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY HIGH SCHOOL

SAN JOAQUIN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with