^

PSN Opinyon

EDITORYAL - DepEd, no action pa sa ‘ghost students’

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
EDITORYAL - DepEd, no action pa sa �ghost students�

ANG Department of Education (DepEd) ay isa sa mga tanggapan ng pamahalaan na nagdaranas nang maraming problema. Unang-una na ang kakulangan sa mga silid-aralan sa pampublikong paaralan, kakulangan ng mga guro, mababang sahod ng mga guro, walang sapat na pasilidad at marami pang suliranin na hindi masolusyunan.

Ngayong 2025, inaasahang may mga susulpot pang problema sa DepEd lalo’t nabawasan ang kanilang annual budget. Ang orihinal na hinihingi ng DepEd para sa taon na ito ay P748 billion subalit ang inaprubahan ng Congress ay P737 billion. Malaki ang nabawas. Kung sino pa ang departamento na nangangailangan nang malaking pondo para mapaunlad ang edukasyon at hindi maging kulelat ang mga estudyanteng Pilipino ay ito pa ang kinaltasan. Mas pinrayoridad pa ang pagbibigay nang malaking budget sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na laganap ang korapsiyon. Kinukuwestiyon sa Supreme Court ang malaking share ng General Appropriations Act (GAA) sa DPWH.

Bagamat ang DepEd ay tila kinawawa sa pamamahagi ng taunang budget, hindi rin naman maitatatwa na marami ring nangyayaring anomalya sa nasabing departamento. Nagpapatunay na maraming tanggapan ang hindi ligtas sa katiwalian.

Noong nakaraang Pebrero, umalingasaw ang ­anomalya sa senior high school (SHS) voucher program ng DepEd kung saan P52 milyon ang napunta sa “ghost students” na nakaenrol sa 12 pribadong eskuwelahan. Ayon sa report, walang mga estudyante na nakaenrol sa mga private schools. Bogus ang enrollment.

Ang anomalya ay inihayag mismo ni DepEd Secretary Sonny Angara. Napag-alaman ni Angara na 1,474,702 senior high school ang nakaenrol para sa school year 2023-2024, ang panahon na nadiskubre ang “ghost students”. Nagsimula ang SHS voucher noong SY 2016-2017.

Nangako si Angara na sa lalong madaling panahon ay matutuklasan ang anomalya sa SHS voucher program at mananagot ang nasa likod nito. Ayon kay Angara, sinisiyasat na ang mga personnel at school officials na nag-facilitate sa SHS voucher program.

Hanggang ngayon din naman, nananatiling tikom ang bibig ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa isyu. Wala pa silang sinasabi ukol sa “ghost students” na yumayanig sa DepEd. Halukayin na ang ­anomalyang ito upang lumantad ang katotohanan. Kapag hindi ­natukoy ang nasa likod nito, maaapektuhan ang ­programa at ang kawawa ay mga estudyanteng ­nangangailangan ng ayuda para makapag-aral.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with