^

PSN Opinyon

Sobrang idolatry na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Karapatan ng kahit sino na magprotesta sa pagkaka­aresto sa iniidolo nilang dating Presidente. Subalit kung ang paghahayag ng galit ay sasagad hanggang maapektuhan ang kapakanan ng sariling kaanak, hindi na tumpak iyan.

Balak daw ng ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Europa na magpatupad ng “zero remittance week”. Isang linggo silang hindi magre-remit ng pera bilang pakikisimpatya kay dating President Rodrigo Duterte na ngayo’y nahaharap sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC). Gusto nilang ibalik sa Pilipinas ang dating Presidente.

Iniisip nila siguro ang malaking pondong mawawala sa pamahalaan. Pero hindi ba nila naisip na gugutumin din nila ang sarili nilang pamilya kapag hindi nagpadala ng salapi?

Kahit isang linggong zero remittance lang iyan, sa dinami-dami ng OFWs, tiyak mayroong magkakaroon ng emergency needs. Kung ikaw ang OFW at isa sa mga kapamilya mo ay naospital at nangangailangan nang malaking halaga, maaatim mo ba na huwag munang padala ng pera habang nakikisimpatya sa taong labis mong hinahangaan?

May ibang paraan naman ng protesta na maaaring gawin upang magpaabot ng mensahe sa pamahalaan ay buong sambayanan. Pero huwag sanang gawin ito sa paraang ma­kawawasak sa ekonomiya ng ating bansa.

Panahon pa ni Ferdinand Marcos Sr. ay nauso na ang civil disobedience para puwersahing bumaba siya sa puwesto. Pero ang mga ganyang hakbang ay counter-productive at walang ibinubungang mabuti.

PRESIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with