^

PSN Opinyon

Magpalakas ng resistensiya

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKABABAHALA ang mga nababalitaan ngayon. Ayon sa DOH, tumaas ng 500 percent ang dami ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) mula Enero hanggang Marso 2025. Nagtala sila ng 57 kaso kada araw. Mga edad 15 hanggang 25 ang naitala. Ang babata. Ang HIV ang dahilan ng AIDS. Dahil dito, nais ng DOH na magdeklara ng National Public Health Emergency ang pamahalaan sa HIV para magtulong-tulong ang lahat para mapababa ang bilang. Hinihikayat ang mga maaaring dapuan ng HIV na magpa-test para rito. Libre naman at confidential ang proseso at impormasyon. At siyempre, kailangan ang pag-iingat para hindi dapuan ng sakit.

 May balita naman tungkol sa monkeypox (mpox). Ang mpox ay viral na sakit kung saan makakaranas ng masakit na pantal, malalaking lymph nodes, lagnat, sakit ng ulo, katawan, likod at madaling mapagod. Parang matinding trangkaso pero may masakit na pantal. Ayon sa DOH, walang katotohanan na malalagay ang Metro Manila kung saan pinakama­raming kaso ng mpox sa quarantine tulad ng kasagsagan ng COVID-19. Mga ikinakalat na larawan ng malulubhang kaso ng mpox ay hindi sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Iyan ang mahirap sa nagkakalat ng maling impormasyon. Dapat maging kriminal na ang pagkalat ng fake news.

 May bakuna para sa mpox pero wala pa sa Pilipinas. Hindi rin lahat ay kailangang bakunahan laban dito. May mga pamantayan na dapat masunod bago mabigay ang bakuna. Hindi rin epektibo ang face mask laban sa hawahan dahil ang impeksiyon ay makukuha sa physical contact. Kaya ang payo ng DOH, huwag na muna magkamayan, magyakapan at mag­halikan. Baka mas mahirap sundan iyan lalo na’t mukhang kam­pante na ang marami na wala na ang COVID.

 Bumababa naman ang mga kaso ng mpox na naitatala kada araw. Kaya hindi raw dapat mabahala. Pero ganito na nga ngayon. Patuloy ang laban sa mga sakit, partikular mga virus. Mas kakapitan ay mga may kasalukuyang sakit at mga bata. Kailangan palaging malusog at malakas ang resistensiya. Maraming pagkain at gamot na nagpapalakas ng resis­tensiya. Magkonsulta sa doktor para malaman kung anong mga kailangan para lumakas.

DOH

KALUSUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with