Sa ‘LottoMatik’, bilang ng milyonaryong Pinoy lolobo!
KAHIT saang parte ka pa ng Pinas, makakataya ka na sa palarong Lotto ng PCSO, ayon kay PCSO General Manager Mel Robles. Hindi lang ‘yan, madadagdagan na rin ang tulong sa mga mahihirap na Pinoy sa charitable at health programs ng gobyerno ni President Bongbong Marcos, ani Robles. Ito ay sa pamamagitan ng pakipagtulungan ng PCSO at ng management ng kompanyang DFNN na nasa likod ng proyektong “LottoMatik.”
“With LottoMatik, buying lotto tickets is simple and hassle-free, offering a seamless experience,” paliwanag ni Robles. “The system also allows small businesses and individuals to sell PCSO lottery tickets, adapting to the ever-evolving landscape of technology in business and enabling individuals to be micro entrepreneurs,” dagdag pa ng general manager ng PCSO. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Wala nang gagawin ang mga Pinoy na gustong magnegosyo o maging PCSO sub-agent kundi bumili ng handheld machine ng DFNN sa halagang P50,000 kung saan may P20,000 load na ito. Kapag may Wifi ka, kahit saang sulok ka ng Pinas, maging sa laylayan, ay makakataya ka sa Lucky Pick at iba pang palaro ng Lotto. Wala namang bago, dahil sa halagang P20 pa rin ang presyo ng tiket.
Kapag naubos ang load mong P20,000, puwede namang komontak sa PCSO o DFNN para mag-reload. Kung ang mga lotto outlet ay nagsasara pagsapit ng gabi, itong “LottoMatik” ay nag-ooperate ng 24/7.
Magkakaroon ng press launch ang “LottoMatik” mamayang alas-dos ng hapon sa Bonifacio Hall C sa Shangri-la the Fort, BGC, Taguig City kaya’t dun na kayo magtanong mga kosa kung anu-ano pa ang gusto n’yong malaman. Importante na malaman n’yo ang kikitain ang sub-agent, at kung paano makuha ang milyones na premyo kapag nanalo ang bettor. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinisiguro ni Robles na sa pamamagitan ng “LottoMatik”, magiging simple ang pagtaya lotto kaya’t lolobo ang kita ng PCSO at mas maraming Pinoy pa, lalo na ang may sakit, ang matutulungan. Ang proyekto ay nailunsad noong Nobyembre 8, 2024 kung saan ang DFNNs “LottoMatik” ay nagsilbing nag-iisang corporate authorized agent ng PCSO sa palarong lotto nito.
“LottoMatik’s main goal is to reach areas that currently lack lotto outlets, enabling more Filipinos to engage in charity,” giit pa ni Robles. Hindi lang ang pagiging milyonaryo ang dapat isipin ng tumataya sa lotto, kundi maging ang pagtulong rin ng mga parukyano sa charitable at health programs ng gobyerno. Mismooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Teka, teka, dahil makakarating na ang lotto sa laylayan ng Pinas, maging ang illegal numbers game, lalo na ang jueteng, ay matutuldikan nito. Sa larong jueteng kasi, ni isang kusing ay walang napupunta sa kaban ng gobyerno. Tumpak!
“LottoMatik represents a significant step forward in making lottery participation accessible to every Filipino. By leveraging technology, we are not just offering a chance to win but also a chance to contribute to community welfare,” ayon pa kay Robles.
Para naman sa mga interesadong maging PCSO sub-agent, puwedeng mag-sign up sa lottomatik.pcso.gov.ph o tumawag sa LottoMatik sa numerong 0917-116-6180 (Globe) or 0968-302-3067 (Smart). Abangan!
- Latest