Bakit sumasakit?
MINSAN negatibong emosyon ang dahilan ng nararamdamang sakit sa iba’t ibang parte ng iyong katawan.
• Ulo: Madalas kang mag-overthinking, self-criticism, takot na mabigo, o resulta ito ng pangbabale-wala ng ibang tao sa mga nararamdaman mo.
• Leeg: Nahihirapang magpatawad, may kinikimkim na galit, hindi kayang tuparin ang expectation sa kanya ng mga magulang.
• Balikat: Feeling superhero na siya dapat ang responsible sa lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Hindi marunong humingi ng tulong.
• Dibdib: Nalulungkot dahil nagluluksa sa namayapang kapamilya. Nakipaghiwalay sa karelasyon. May pakiramdam na walang nagmamahal sa kanya.
• Tiyan: Laging diskumpiyado sa kanyang mga desisyon sa buhay.
• Lower back: Sumasakit ito kapag wala kang pera ngunit maraming bayarin, wala kang natatanggap na suporta, financially and morally.
• Hips: Ayaw mo sa nangyayaring pagbabago sa iyong buhay: halimbawa sa trabaho, lokasyon ng tirahan at marami pang iba. Yun bang inalis ka sa iyong comfort zone.
• Tuhod: Sumasakit ito kapag napapasobra na ang “pride” sa katawan, matigas ang ulo at laging tumututol sa desisyon ng nakararami or laging kontrabida sa pamilya.
• Paa: Takot mag-move forward, walang direksiyon ang buhay. Kung ano ang biglang maisipan, iyon na lang ang gagawin.
• Kamay: Laging nag-iisip kung tatanggapin siya ng ibang tao o hindi. Takot kasi sa rejection. Hindi marunong magbigay at hindi rin marunong tumanggap, whether, iyon ay tulong, pera, o pagmamahal. Non-chalant lang siya.
• Mata: Kahit nasa harapan na at nagsusumigaw na ang mga pruweba, ayaw pa rin niyang tanggapin ang katotohanan.
• Lalamunan: Natatakot na siya ay husgahan kaya hindi masabi ang saloobin niya.
- Latest