^

Punto Mo

‘Pala’ (Last part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAGUMPAY ako sa buhay dahil sa sipag, tiyaga, pagtitiis at dahil sa suwerteng dala ng napulot kong pala. At siyempre, napakalaki ng tulong ni Mam Socorro na labis na nagtiwala sa kakayahan ko. Siya ang naging inspirasyon ko kaya narating ang kinalalagyan ko ngayon.

Ngayong senior na ako at retiradong civil engineer, binabalikan ko na lamang ang makulay kong nakaraan.

Matagal nang patay si Mam Socorro pero ang alaala niya ay hindi ko malilimutan. Ako ang ginawang tagapamahala ni Mam sa kanyang construction business. Dati ay ang paggawa ng mga tulay at kalsada ang kinokontrata ni Mam pero nang ako na ang naging CEO, pati ang paggawa ng airport at mga flyover ay pinasok na namin.
Dahil dun, natulungan ko ang mga magulang sa probinsiya. Ang dating sinasakang lupa ni Itay ay nabili ko na. Ang lupa ni Mam Socorro na tinaniman ko ng mga gulay ay pinamana na sa akin.

Napagtapos ko ang aking kapatid na si Danilo ng civil engineering din at sa kompanya rin ni Mam nagtatrabaho bilang engineer.

Wala na akong mahihiling pa dahil nakamtan ko na lahat.

Ang aking “masuwerteng” pala ay ginawa kong dekorasyon sa aming salas. Gusto ko na nakikita lagi ang pala naghatid ng suwerte sa aming buhay.

CEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with