^

Punto Mo

EDITORYAL — Isailalim sa ­neuropsychiatric examination ang mga pulis

Pang-masa
EDITORYAL — Isailalim sa ­neuropsychiatric examination ang mga pulis

Hindi umano sumailalim sa neuropsychiatric examination ang police vlogger na si Patrolman Francis Steve Fontillas, dahil tumanggi ito. Si Fontillas ay nag-viral sa social media dahil sa mga pinagsasabi nito sa pamahalaan, sa PNP at sa mga matataas na opisyal ng PNP mismo.

Kung hindi dumaan sa neuropsychiatric exam si Fontillas, paano siya nakapasok sa PNP? May palakasan ba kaya hindi siya dumaan sa proseso? May padrino ba siya? Dapat maimbestigahan kung paano siya nakapasok sa police force na hindi dumaan sa neuropsychiatric exam na mahalaga pa naman. Sa pagsailalim sa nasabing test malalaman kung nasa tamang kaisipan ang nag-aaplay na pulis.

Kung hindi sumailalim sa neuropsychiatric test si Fontillas, maaring may problema nga siya kaya kung anu-ano ang kanyang mga sinabing hindi maganda sa pamahalaan at sa PNP mismo na kanyang kinabibilangan. Maaring wala siya sa tamang kaisipan.

Nagsimula ang matatapang na post ni Fontillas sa social media noong Marso 11 nang inaresto si dating President Rodrigo Duterte at dinala sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crime against humanity.

Lantarang binatikos ni Fontillas sina President Ferdinand Marcos Jr., Criminal Investigation and Detection Group chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, at PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo dahil sa aniya’y kawalang hustisya sa pag-aresto kay Duterte. Sinabi rin niya na dapat daw na maging apolitical at non-partisan ang PNP. Hindi raw siya magbibitiw sa puwesto at nanghikayat na pababagsakin ang gobyerno. Sabi pa ni Fontillas, kapag nagbitiw daw siya wala nang matinong pulis na matitira.

Noong Marso 16, muling nagpost sa kanyang FB page si Fontillas na nanghahamon sa mga matataas na opisyal ng PNP. Sabi niya: “Inciting to sedition daw yung ginawa ko? Hahaha. Okay lang ba kayo? I only expressed my stand and my principles. Where’s our right to freedom of expression now? Kawawa naman ang Pilipinas. Hahaha! Sige, file the case now. Sa korte na lang tayo magkaalaman.”

Noong Huwebes, nagbalik sa kanyang duty sa QCPD si Fontillas at umiiyak na humingi ng tawad. Hindi na raw siya magpo-post ng seditious comments at hate speech sa social media pages. Nagsisisi na raw siya.

Pero sabi ng NAPOLCOM, tuloy ang pagsasampa ng kaso laban kay Fontillas at baka matanggal ito sa puwesto. Nararapat lang ito kay Fontillas. Maging aral sana sa PNP na isailalim sa neuropsychiatric exam ang mga aplikanteng pulis. Para hindi na maulit ang nangyari na nakapasok sa serbisyo ang may “tama”.

FRANCIS STEVE FONTILLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with