^

Punto Mo

Mayang (176)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Sabi raw ni Mam kay Cynthia, ang hinaharap ang pagtuunan ng pansin at hindi ang ­nakaraan. Nawala na raw ang nadama niyang sakit kaya dapat ay maging masaya na sila. Mas magiging masaya raw si Manuel sa kinaroroonan nito kung magpapatawaran.

“Sa sinabi raw ni Mam Araceli ay lalong napaiyak si Cynthia. Humagulgol daw ito sa labis na kasiyahan.

“Mula raw noon ay naging matalik na silang magkaibigan ni Cynthia. Lagi raw siyang dinadalaw sa bahay.

“Mula rin daw noon ay magkasama na silang dumadalaw sa puntod ni Manuel. Sabi ni Mam, pakiramdam niya ay maligaya si Manuel sa kinaroroonan nito. May pagkakataon daw na nararamdaman niya ang dampi ng malamig na hangin sa kanyang pisngi na ang kutob niya ay kaluluwa ni Manuel.

“Nang magretiro raw si Mam sa pagtuturo ay lalong naging madalas sa pagdalaw sa kanya si Cynthia. Dinadalhan siya ng pasalubong—cake, prutas, chocolates at iba pa.

“Hindi raw malimutan ni Mam na si Cynthia ang unang dumamay sa kanya nang ma-diagnosed siya na may breast cancer.

“Pinalakas daw ni Cynthia ang loob niya. Gagaling daw siya sa cancer. Huwag daw siyang bibitiw sa pagdarasal. Ipagdarasal daw siya ni Cynthia.

“At nagkatotoo ang mga sinabi ni Cynthia—gumaling si Mam Araceli sa cancer.”

(Itutuloy)

CYNTHIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with