^

Punto Mo

General Cascolan, maraming hinanakit kay Albayalde!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI maubus-ubos ang hinanakit sa buhay ni Philippine­ National Police chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan sa mistah niyang si retired PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Nitong nagdaang araw kasi inungkat na naman ni Cascolan ang pagkakamali ni Albayalde --- ang pagtapon sa Mindanao ng mga pulis na pumuna ng leadership style ng huli.

Sa totoo lang, parang hindi makalimutan ni Cascolan ang hidwaan nila ni Albayade kaya naibulalas niya ang panig sa mga pulis sa turnover of command sa Bangsamoro Autonomous Region. Matatandaan na matapos mag-post ng negatibong komento sa pamamalakad ni Albayalde sa social media ang 11 police officers, itinapon sila sa Mindanao bilang kaparusahan.

Hindi sang-ayon si Cascolan sa ginawa ni Albayalde. Dapat aniya hindi sensitibo ang mga police officials sa mga puna ng kanilang mga junior officers o enlisted men. Itong mga puna ng junior officers, ayon pa kay Cascolan, ay dapat gamitin na paraan para bumuti ang imahe ng police officials. May punto si Cascolan dito, di ba mga kosa? Hak hak hak! Hindi talaga makatulog si Cascolan na hindi mailabas ang kinikimkim na sama ng loob kay Albayalde.

Kung sabagay, noong nakaupo pa si Albayalde sa trono ng PNP, si Cascolan ang hepe ng NCRPO. Hindi magkasundo ang dalawa sa mga programa lalo na ang pagpresenta sa media ng mga pulis na nahuhuling tutulug-tulog habang naka-duty. Dahil hindi nga magkatugma ang ideya nila, aba tinuldukan ni Albayalde ang relasyon nila ni Cascolan at ni-relieve ito at itinapon sa «freezer’ assignment sa Civil Security Group sa Camp Crame.

At hindi makalimutan ni Cascolan ang ginawa sa kanya ni Albayalde kaya sa ngayong PNP chief na siya eh palagi n’yang inuungkat ang mali ng huli at pinipresenta ang idea n’ya. Araguuyyy! Hak hak hak! Hindi lang naman si Albayalde ang paboritong topic ni Cascolan kundi maging ang isa pang mistah na si ret. PNP chief Archie Gamboa.

Kaya lang, ang pag-ungkat ni Cascolan ng mga kasalanan nina Albayalde at Gamboa ay napansin na ng mga kosa ko sa Camp Crame, lalo na si kosang Felix Vargas, na retiradong NUP ng PNP at naging PIO ng CIDG sa mahabang panahon. Ayon kay kosang Felix hindi magandang asal ang ipinapakita ni Cascolan at wala s’yang maipapakitang gilas sakaling magretiro s’ya. Ang tanong ni kosang Felix ay benggador ba o power hungry si Cascolan. Araykupoooo! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Samu’t sari naman ang reaction ng mga kosa ko sa Camp Crame sa hayagang paghiganti ni Cascolan kina Albayalde at Gamboa dahil pati mga tauhan ng dalawa, na walang kamuwang-muwang sa away nila, ay nadadamay. Anila, hindi na dapat sinayang pa ni Cascolan ang natitirang oras niya sa dalawang buwan na panunungkulan sa nakaraan at imbes ay mag-focus ito sa hinaharap na trabaho para isulong ang nine-point agenda niya. Tumpak!

At iginigiit pa nila na ang away ni Cascolan sa mga mistah niya ay hindi maganda ang idinudulot sa imahe ng PNP sa mata ng libu-libong Pinoy. Kasi nga sa biglang tingin, mukhang magulo sa hanay ng PNP na hindi naman. Abangan!

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with