^

Punto Mo

Mayang (171)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“HINDI na muling umibig si Mam Araceli, Mayang?’’ tanong ni Jeff na tila sabik na sabik sa istorya ng mabait na guro.

“Hindi na.”

“Pero mayroon bang mga nanligaw sa kanya? Kasi tiyak na maganda si Mam nung kabataan pa niya.”

“Marami raw ang nanligaw sa kanya—may kapwa guro, engineer at doktor—pero hindi na umibig pa si Mam.”

“Bakit daw? Di ba nalimutan na niya ang nangyari sa kanila ni Manuel? Bakit hindi na siya umibig pang muli?”

“Sabi ni Mam para raw nagkaroon siya ng takot na magmahal muli. Ang lagi raw niyang naiisip ay baka maulit ang nangyari sa kanila ni Manuel.’’

“Nagkaroon siya ng phobia?’’

“Parang ganun.”

“Sayang ano? Sana nagkaroon ng pamilya si Mam kung umibig at nagmahal muli siya.”

“Hindi na raw talaga tumibok ang kanyang puso. Mas pinagtuunan daw niya ng pansin ang mga estudyante na may mga pinagdadaanang problema sa buhay. Naging advocacy na raw niya ang maging tagapayo ng mga estudyante at sabi ni Mam, hindi siya nagsisisi na hindi na muling umibig. Mas tama raw ang pasya niya sapagkat napakarami niyang natulungan.

“Sa ginawa raw niyang pagtulong sa mga estudyante ay para na rin daw siyang nagkaroon ng pamilya. Marami raw estudyante ang nagtutungo sa bahay niya kaya masayang-masaya siya.”

“Talagang inilaan na lang niya ang sarili sa pagtulong sa mga estudyante at inalis na sa isip ang pag-aasawa? Nagpakatandang dalaga na siya.”

“Oo.”

“Mula raw nang mamatay si Manuel, wala na raw ba siyang balita sa pamilya nito?”

Napahagikgik si Mayang.

“Parang gusto mo pa yatang buhayin ang namatay na?”

“Hindi naman. Baka lang naman may balita pa siya sa pamilya?”

“Wala na raw. Pero makalipas daw ang isang taon mula nang mamatay si Manuel ay may naging bisita si Mam. Hindi raw niya inaasahan ang bisita.”

“Sino yun?”

“Ang biyuda ni Manuel—si Cynth.”

(Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with