General Torre, matunog bilang incoming PNP chief!
KUNG ngayon ang pilian para sa bagong chief ng Philippine National Police (PNP), hands down o sigurado na si CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre lll ito. Sobra-sobra na ang pogi points ni Torre matapos matagumpay niyang maisakatuparan ang pag-aresto at pagpadala kay ex-president Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Lampas leeg na ang pogi points ni Torre. Get’s n’yo mga kosa?
Si Torre lang ang may bayag na ipatupad itong kautusan na makipag-cooperate ang gobyerno ni President Bongbong Marcos sa Interpol, na magsi-serve ng warrant of arrest na inisyu ng ICC sa kasong crimes against humanity. Purbidang yawaahhh!
Nandun din sa Villamor Air Base si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kaya lang minabuti niyang iatang na lang kay Torre ang lahat ng hakbangin para masigurong si Tatay Digong ay mailipad sa Netherlands. Mismooo! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kaya lang hindi naman puwedeng maupo si Torre bilang Top Cop ng PNP sa ngayon dahil extended pa ang termino ni Marbil hanggang Hunyo. Gets n’yo mga kosa?
Kaya sa tuluyang paglisan ni Marbil sa PNP sa Hunyo, si Torre na ang paboritong papalit sa kanya.Eh di wow! Maliban sa kaso ni Tatay Digong, si Torre rin ang namuno sa pagkaaresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) pastor Apollo Quiboloy sa Davao City. Si Quiboloy sa ngayon ay nakakulong sa Pasig Jail, subalit kandidato pa sa pagka-senador sa darating na midterm election.
Hindi biro itong dalawang bigtime accomplishments ni Torre na hindi dapat ipagsawalang bahala ng gobyerno ni BBM. Mismoo! Kaya lang, matagal pa ang Hunyo at ang kalaban na lang ni Torre ay ang isang malaking delubyo. Sanamagan! ‘Yan na lang ang panalangin ng mga opisyal ng PNP na gusto ding maging PNP chief. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Kung sabagay, hindi pa tapos ang trabaho ni Torre. Nakahanda pa siya na makipagtulungan sa Interpol kapag iniutos ng ICC na arestuhin din ang iba pang kaalyado ni Tatay Digong sa kanyang “war on drugs.”
Ayon sa report, kasama na rito sina ex-PNP chief at Sen. Bato dela Rosa at ex-PNP chief Oscar Albayalde. Mahaba raw ang listahan ng ICC na iisyuhan ng arrest warrant, ayon sa report, at totoo kaya ito?
Sa tingin ng mga kosa ko, si Tatay Digong lang ang dapat managot sa ICC dahil ibinabando naman n’ya ito na “I’ll take full responsibility” sa war on drugs. Dapat the buck stops on Tatay Digong, di ba mga kosa?
Kasi nga, aksidente lang itong sina Bato at Albayalde na naging PNP chief, at kahit sino man ang hahalili sa kanilang puwesto ay ipapatupad ang “war on drugs.” Lalo na ang mga operatives sa kalye dahil sumusunod lang sila sa utos “ng itaas.” Tumpak! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sa totoo lang, kumakalat sa social media, lalo na sa hanay ng mga supporters ni BBM, na si Torre na ang next PNP chief. Anila, hindi biro ang trabahong ginawa ni Torre na hindi nagresulta ng bayolenteng kaguluhan. Mismooo!
Siyempre, hati-hati tayong mga Pinoy. Kung may natutuwa sa pag-aresto ni Torre kay Tatay Digong, marami namang supporters ng huli na kinamuhian siya. Marami kasing lumalabas sa social media na video’s o reels na kinukutya o inaatake si Torre. Dipugaaa! May kasunod pa kaya ang vlogger na si Jun Abines na kakasuhan ni Torre? Abangan!
- Latest