Matobato at Lascañas, hugas kasalanan o hudas sa kasamahan?
KAHIT itanggi ni Presidente Bongbong Marcos na wala siyang personal na kinalaman sa pagkaaresto kay dating President Digong Duterte, bagkus ay Interpol-PNP cooperations lang ang lahat ng nangyari ay napapaismid lamang ang mga Diehard Duterte Supporters. Pinupulitika raw naman kasi eh!
Malamang na asiwa na rin ang galaw ng mga taong isinangkot nina Edgar Matobato at Arturo Lascañas sa kanilang sinumpaang testimonya na totoong may Davao Death Squad (DDS) na pinopondohan ni Digong noong Davao City mayor pa ito. Magkakaharap na sila sa International Criminal Court (ICC) hindi magtatagal. Kaabang-abang ito!
Posible ring maging testigo na may “death squad” talaga sa Davao City sina dating Senador Leila de Lima at dating Davao City police chief at naging PCSO Gen. Manager Royina Garma. Bato-bato sa langit ang ituturo, sabit!
Nanawagan naman si Atty. Harry Roque sa mamamayan para mag-rally sa EDSA para sa isang kilos bayan na tulad ng 1986 People Power Revolution. Nasa Netherlands si Harry.
Nasa Netherlands din ang magkapatid na Cong. Polong at VP Sara Duterte para suportahan si Digong sa gagawing paglilitis ng ICC. Matobato at Lascañas, maghanda na kayo.
Matanda na at marami ng dinadalang sakit sa katawan si Digong na maaring magdulot ng mas malalang karamdaman sa kanya ang masusing paglilitis ng ICC. Magtungo rin kaya sa Netherlands ang mga kapanalig nito sa PDP na nagsabing magpapakamatay sila sa pagsuporta kay Digong? Pagpalain nawa ni Hesus, ang banal na Salvador del Mundo!
Kapahamakan talaga ang inaabot ng isang namumuno sa bayan kapag ang mga adhikain nito ay lumaktaw sa itinatalaga ng batas na umiiral. Kahit sa paningin ng marami ay tumpak. Tokhang pa rin ang pamagat!
- Latest