^

Punto Mo

EDITORYAL — Mga kahina-hinala at kaduda-dudang pangalan

Pang-masa
EDITORYAL � Mga kahina-hinala at kaduda-dudang pangalan

HINDI lamang si Mary Grace Piattos ang nakapirma sa acknowledgement receipts na isinumite ng Commission on Audit (COA) sa House committee on good government and public accountability kaugnay sa iniimbestigahang P612.5 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Lumutang din ang mga pangalang Kokoy Villamin, Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, Reymunda Jane Nova, Chippy McDonald, Pia Piatos-Lim, Renan Piatos at Xiaome Ocho. Ang mga bagong pangalan na lumutang ay sina Jay Kamote, Miggy Mango, Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok.

Ang mga bagong pangalan ay nadiskubre ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V. Sabi ni Ortega noong Sabado, ang pagkakadiskubre sa mga bagong kahina-hinalang pangalan ay lalong nagpalakas sa alegasyon na talagang may hindi tamang paggamit sa milyong pisong confidential funds ni Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ortega, ang ­pangalang “Jay Kamote” ay katunog ng pangalan ng root crop samantalang ang “Miggy Mango” ay kahawig ng prutas. Nadagdag pa umano ang “Dodong Gang”.

Tinapos ng House committee on good government and public accountability noong Disyembre 2024, ang pag-iimbestiga sa hindi maipaliwanag na paggastos ng pondo ng Office of the Vice President (OVP), Department of Education (DepEd) at confidential funds.

Noong Disyembre 2024, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA), 400 pangalan na nakapirma sa acknowledgment receipts ay wala sa kanilang data base.

Ayon sa PSA, hindi nag-e-exist ang mga ­pangalang Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin. Wala itong record para sa individual’s birth, marriage at death record. Isinumite ng PSA ang kanilang findings sa House committee on good government and public accountability na nag-iimbestiga sa hindi maipaliwanag na paggastos ng pondo ng OVP at confidential fund.

Si Mary Grace Piattos at Kokoy Villamin ay kabilang sa mga signatories ng 158 acknowledgment receipts na naka-attached sa liquidation reports na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA). Nang tanungin ang mga inimbitahang tauhan at opisyal ng OVP, wala silang maalalang Mary Grace Piattos.

Kaduda-duda at kahina-hinala ang mga pangalan na nakalagda sa acknowledgement receipts. Sino ang nasa likod nito? Hindi dapat hayaan ang kasong ito na basta na lamang maglaho na parang bula. Ang nakataya rito ay ang pera ng bayan. Nararapat malaman ang buong katotohanan, singilin at parusahan ang mga nagkasala.

COMMISSION ON AUDIT

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->