^

Probinsiya

Rider nag-overtake, dedo sa kasalubong na bus

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang motorcycle rider ang nasawi nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa nakasalubong na bus sa national highway sa Brgy. Taboc, San Juan, La Union.

Ayon sa pulisya, ang driver ng kulay itim na Rusi 125 motorcycle ay isa umanong administrative aide 1, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Naguituban, San Juan, La Union,samantalang ang 40-anyos na driver ng kulay puting bus ay residente naman ng Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, ang motorsiklo ay papuntang timog samantalang ang bus ay papunta naman ng opposite direction.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake ang motorsiklo sa isang sasakyan kaya nakasalubong nito ang bus na nagresulta sa kanilang banggaan.

Resulta nito, nagtamo ang driver ng motorsiklo ng severe injuries na agad na dinala sa ospital, su­balit namatay din ito.

vuukle comment

LA UNION

SAN JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with