^

Police Metro

4.3 milyong Pinoy inalisan ng 4Ps noong 2023 - Solon

Joy Cantos - Pang-masa
4.3 milyong Pinoy inalisan ng 4Ps noong 2023 - Solon
Individuals line up to receive cash aid from the national government during enhanced community quarantine at a basketball court in Manila on August 11, 2021.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nasa 900,000 pamilya o 4.3 milyong Pinoy na kabilang sa pinakamahirap na bahagi ng lipunan ang hindi nakatanggap ng tulong mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2023 dahil inalis umano ni Sen. Imee Marcos ang pondo para sa kanila.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, inilipat ni Sen. Marcos ang pondo para sa mga 4Ps beneficiaries sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

“If we do the math, P13-billion divided by P15,000 per household per year, means 867,000 families or 4.3-million poor individuals got zero cash assistance from the Department of Social Welfare and Development’s 4Ps program last year, thanks to Sen. Imee,” sabi ni Bongalon.

Ang 4Ps program ay isang conditional cash grants para sa pinakamahihirap na pamilya upang mapaganda ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at makapag-aral ang mga bata.

Ayon kay Bongalan, nagsimula itong mag-usisa sa nangyari sa budget noong 2023 dahil mayroon umanong nag­rereklamo kaugnay ng 4Ps program.

 Ang pondo ay ipinamigay umano ni Sen. Marcos at ilang piling kaalyado nito gaya ni Vice President Sara Duterte sa halip na sa mga pamilyang pasok sa 4Ps program.

“Sen. Imee takes issue with AKAP or Ayuda para sa Kapos ang Kita Program of the House of Representatives which will provide cash grants to our ‘near poor’ kababayans. It’s ironic that she even wants a Senate inquiry into AKAP when she should be the one investigated for depriving the ‘poorest of the poor’ of P13-billion last year,” giit ni Bongalon.

Ang 4Ps program ay ipinatutupad sa 17 rehiyon ng bansa at ang mga benepisyaryo nito ay pini­pili sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with