^

Police Metro

Bagets nasalpok sa EDSA busway, utas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang binatilyo nang hit-and-run ng bus sa EDSA busway kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang biktima na isang 13-anyos ay residente ng Sitio Pajo, Pag-asa Street, Brgy. Baesa, Quezon City ay nasalpok, ala-1:00 ng madaling araw sa EDSA Bus Carousel Darrio Bridge, Brgy. Apolonio Samson.

Sa ulat, papatawid ang biktima sa nasabing lugar kasama ang kanyang kaibigan nang mahagip ng bus patungong northbound.

Ayon sa kaibigan ng biktima, tumawid sila papuntang bus lane upang manguha ng kahoy na panggatong nang mabangga ang biktima ng isa sa mga carousel bus.

Sinubukan niyang habulin ang bus subalit tuluy-tuloy ito sa pag-arangkada.

Apela naman ng lola ng biktima sa driver ng bus na sumuko na lamang at papanagutan ang kaso.

Nangangalap na ang pulisya ng CCTV footage sa lugar para matukoy ang plaka ng bus na nakabangga sa binatilyo.

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with