^

Police Metro

Lalaki pinatay ng dalawang nakaalitang tambay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na naisalba ng mga doctor ang isang lalaki nang pagtulungang saksakin ng nakaalitang dalawang tambay kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Orlan Martillosa Ocampo, 22, residente ng Pampanga St., Barangay Payatas-B, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina alyas Aped, 20 at alyas JM, 19 kapwa residente ng Brgy. Payatas B, na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detectioon Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong-alas 6:55 ng umaga sa panulukan ng Alley 1 at Bulacan St., Barangay Payatas-B, ng naturang  lungsod.

Lumilitaw na lumapit ang lasing na biktima sa grupo ng mga suspek hanggang sa humantong sa pagtatalo at suntukan.

Kasunod nito pinagtulungan din ng mga suspek na saksakin ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa bumagsak sa semento.

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with