^

Police Metro

Veloso pwedeng bigyan ng clemency ni Pangulong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Veloso pwedeng bigyan ng clemency ni Pangulong Marcos
File photo shows Filipina death row inmate Mary Jane Veloso at the handicraft workshop of Wirogu- nan prison in Yogyakarta.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaaring bigyan ng clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Mary Jane Veloso kapag nakakulong na sa Pilipinas mula sa Indonesia.

Naniniwala rin si Escudero na ikokonsidera ni Marcos ang pagpapalaya kay Veloso na sasailalim na sa jurisdiction ng justice system ng bansa.

Nilinaw ni Escudero na dadaan pa rin sa prosesong legal at diplomatiko ang posibleng pagbibigay ng clemency kay Veloso.

Ipinunto ni Escudero na ang mahalaga ay nailigtas si Veloso sa death pe­nalty at sa huli ay maaaring tuluyang makalaya.

Bagaman at maibabalik na sa bansa si Veloso na nahatulan ng death penalty dahil sa drug trafficking, makukulong pa rin ito sa Pilipinas.

Iginiit naman ni Sen. Risa Hontiveros na dapat matiyak na magiging ligtas sa bansa si Veloso na maaaring balikan ng sindikato na naging sanhi nang pagkakakulong niya sa Indonesia.

MARY JANE VELOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with