PSC nasa heightened alert, CIDG mag-iimbestiga
MANILA, Philippines — Kasunod ng pagbabanta ni Vice President Sara Duterte na “ipatutumba” si Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr., nag-heightened alert na ang Presidential Security Command (PSC).
Sa pahayag ng PSC, ang kanilang hakbang ay ginawa dahil na rin sa direktiba ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Dahil dito ayon sa PSC ay mas pinaigting nila at pinatibay ang mga protokol at nakikipag-ugnayan na sa mga law enforcement agencies para matukoy, mapigilan at mapagtanggol laban sa anumang banta sa Pangulo at kanyang pamilya.
Sinabi pa ng PSC na anumang banta sa buhay ng Pangulo at ng pamilya ng Pangulo, anuman ang pinagmulan nito lalo na ang mga banta na hayagang ipinahayag sa publiko ay itinuturing na “seryosong usapin”.
Sinabi naman ni PCO Sec. Cesar Chavez na ang direktiba ni Bersamin ay bunsod sa live video ni VP Duterte na nagsasabing kumausap na siya ng tao para ipapatay ang Pangulo, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung mapapatay siya habang nasa Kamara.
Bunsod nito, inutos ni PNP chief, PGen. Rommel Francisco Marbil kay CIDG chief CIDG chief PBGen. Nicolas Torre III na magsagawa ng imbestigasyon sa seryosong banta ni VP Duterte laban sa Pangulo.
- Latest