P612.5 milyong confidential funds ng OVP, DepEd inilagay sa gym bag - bank execs
MANILA, Philippines — Inilagay lamang sa malalaking gym bag ang kabuuang P612.5 milyong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ni Vice President Sara Duterte nang i-withdraw ito sa bangko ng kaniyang Special Disbursing Officer (SDO).
Sa pagdinig sa Kamara, kinumpirma nina Landbank Shaw Boulevard Branch Jean Abaya at Land Bank Assistant Vice President for Department of Transportation and Communications Branch Nenita Camposano, na sa gym bag umano inilagay ang milyong halaga ng confidential funds ng i-withdraw ito sa bangko ni Gina Acosta, SDO ni VP Sara.
Apat na beses umanong winithdraw ang nasabing confi funds na tig-P125M sa isang araw mula Disyembre 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023.
Sina Acosta na rin umano ang naglagay ng pera na may seal ng Bangko Sentral na pinaghati sa dala ng mga itong gym bag.
Sinabi naman ni Camposano na ganito rin umano ang ginawa ni Edward Fajarda nang i-withdraw ang natitira pang P112.5-M na inilagay rin sa malaking mga gym bag.
Ipinagtataka naman ni Iloilo Rep. Janette Garin kung bakit walang request na ideliver na lamang ang malaking halaga ng pera sa tanggapan ng OVP dahil delikado umano na kunin lamang ito ng ilang tao mula sa bangko.
- Latest